Linggo, Hulyo 31, 2011

Walang Pamagat

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagpost dito. Bising-bisi kase sa school eh(weh, di nga). Oo, naman. Halos nakalimutan ko nang magpost dito. So, wala na akong mai-type e

Ok, so punta tayo dit: Eric Halvorsen.
Malamang hindi niyo siya killala. Boyfriend ko po siya. Dejoke lang. Miyembro 'yan ng bandang A Rocket To The Moon. Ang cute.. teka, change topic na lang ok.

 Eto, medyo mababa ngayon yung kuha ko sa Mastery Tests. Babawi na lang ako sa Periodical Tests.

Oh, yun na. Wala na akong masabi eh.

Linggo, Hunyo 19, 2011

Maligayang Kaarawan, Gat Jose Rizal

Maraming salamat po sa mga sakripisyo niyo upang mabigyan ng kalayaan ang bansa natin.

kabjcbac. daming babae ni Rizal. Ang kisig naman kasi eh.

Sabado, Hunyo 11, 2011

Sa pag-ikot ng mundo...

Sa totoo lang, ayokong magbasa ng mga bagay na sinulat ko noon. Kasi ang dami kong nakikitang mga mali. Minsan, sa huli ko na lang nare-realize na nakakatawa pala yung mga sinusulat ko. Minsan, naiisip ko kung bakit ko isinulat ang mga bagay na 'yun. O di kaya, kung ako ba talaga ang nagsulat ng mga 'yun.

Habang nagbabasa kasi ako ng mga lumang essays o kung ano man diyan na ako yung sumulat, pakiramdam ko ibang tao ang nagsulat nun. At dun ko na lang nare-realize na ang laki na pala ng pinagbago ko. Siguro hindi lang sa pagsusulat, siguro pati na rin sa pananamit at pananalita?

At malamang, years from now, kapag nabasa ko yung mga post ko dito, kasama na yung post na 'to, matatawa na lang ako, hindi lang sa mga sinulat ko, kundi pati na rin sa sarili ko. Maiisip ko ulit, "Ba't ganito yung mga post ko?" o "Ba't ganito yung mga sinulat ko?"

Tignan na lang natin.

PS: Malayo ba yung connection ng title sa laman ng post? Huwag niyo nang pansinin. Wala lang talaga akong maisip eh.

Linggo, Hunyo 5, 2011

2. Emo

Naalala ko dati nung usong-uso po yan. Yung tipong, may pa tabon tabon ka pa ng buhok mo sa mukha mo pag nagpipicture. Yung, ang laki laki ng problemang dinadala mo. Yung tipong, parang iniwan ka na ng mundo sa mga status o shoutouts mo. Panahon pa ng friendster 'yan eh. Oo, inaamin ko, nagpapaka-"emo" rin ako dati sa mga shoutouts at mga group messages ko. Eh, bakit ba, yun ang uso eh. Minsan nga may paiyak iyak portion pa ako eh.

Aminin natin, minsan natatawa na lang tayo kapag naiiisip natin yung mga ganyang bagay. Dati, may mga bagay na parang ang cool mo kapag gagawin mo yun, pero habang tumatagal, nawawala na yung pagiging cool nun. Ginagawa na itong katatawanan.

1. Last Day of Summer Vacation

 First Post ko 'to dito. :)
It's June 6, 2011 and school starts tomorrow. And today, I did something productive. :))
  • Naglaba
  • Naghugas ng pinggan
  • Nag-ayos ng kama
  • Nagwalis
O, sipag ko no? Hindi pa tapos ang araw na 'to kaya baka madagdagan pa 'yan. Bihira lang mangyari 'yan eh. Ewan ko ba kung bakit ang sipag ko ngayon. Napagod siguro ako sa pagiging tamad. :)